Aminado ang pamunuan ng Philippine National Police o PNP na makakaapekto sa reputasyon ng bansa sa international community ang naganap na pagdukot sa ilang dayuhan at isang pinay sa Samal Island.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, hindi maiiwasan na makaramdam ng pagkatakot ang ilang dayuhan sa pagpunta sa Pilipinas lalo’t foreigners ang mga biktima.
Iginiit naman ni Marquez na “isolated case” lamang ito dahil wala namang mga insidenteng naitala sa mga nakalipas na buwan na kahalintulad nito.
Tiniyak naman ni Marquez na hindi rin ito makakaapekto sa pagdating ng mga delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo kaugnay ng gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation summit sa Nobyembre.
By: Jelbert Perdez