Matatanggap na ng mga empleyado ng pamahalaan ang unang bahagi ng umento sa kanilang mga sahod.
Kasunod ito ng paglagda ng Pangulong Benigno Aquino III sa executive order para maipatupad ang unang tranche ng salary increase para sa mga civilian government personnel.
Retroactive ng January 1 ngayong taon ang pagpapatupad sa salary increase kayat matatanggap na ng civilian government employees ang kanilang umento sa susunod na suweldo.
Ang paglagda sa EO ang unang ginawa ng Pangulo pagdating nito mula sa pagdalo sa ASEAN-US Summit sa Estados Unidos.
Halos P58 bilyong piso ang nakalaang pondo sa ilalim ng 2016 national budget para sa dagdag na suweldo at benepisyo para sa mga empleyado ng pamahalaan.
Matatandaan na idinaan na lamang sa EO ang implementasyon ng umento sa sahod ng mga manggagawa ng pamahalaan matapos na mabigo ang kongreso maipasa ang panukalang batas patungkol dito.
By Len Aguirre | Aileen Taliping (Patrol 23)