Handang harapin ng Mighty Corporation ang inihaing 9.6 Billion Peso Tax Evasion case laban sa kanila.
Ayon kay Atty. Sigfrid Fortun, abogado ng Mighty, mas mainam na magsampa ng kaso laban sa kanila upang makasagot sila sa mga paratang na ibinabato kaugnay ng mga pekeng tax stamp sa kanilang mga sigarilyo.
Patutunayan anya nila na wala silang ginawang mali at hindi kailanman naging tax violator.
Magugunitang sinampahan ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ng 9.6 Billion Peso Tax Evasion case ang Mighty kabilang na ang may-ari nito na si Alexander Wong Chu-King at ilang opisyal ng naturang kumpanya dahil umano sa paggamit ng mga pekeng tax stamp.
By: Drew Nacino