Home NATIONAL NEWS Kasong plunder laban sa mag-inang Senador Loren Legarda at Batangas Representative Leandro Leviste, inihahanda na ng Ombudsman

Truck ban, muling ipatutupad sa Navotas simula November 14

by DWIZ 882 November 9, 2022 0 comment
NAVOTAS TRUCK BAN

Muling ipatutupad ng Navotas City ang Truck Ban simula sa Lunes, November 14.

Ayon sa Navotas Local Government, iiral ang truck ban sa ilang kalsada mula Lunes hanggang Sabado maliban kung holidays, tuwing alas-6 hanggang alas-10 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Ipatutupad ito sa ilang lansangan gaya ng pagbagtas sa; M. Naval St. mula Agora hanggang Bagumbayan-Bangkulasi Bridge; mula C-4 Road hanggang Barangay Tangos North; Pascual St.; C4 Road; at H. Lopez Boulevard.

Sakop ng kautusan ang lahat ng sasakyang may walo o higit pang gulong gaya ng Cargo at Freight Trucks, at mga sasakyang may bigat na 4,500 kilograms tulad ng mga trailers.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment