Mas mabilis na natapos ang traslacion ngayong taon kumpara nuong mga nakalipas na taon.
Inabot lamang ng mahigit 16 na oras ang naging prusisyon na nagsimula sa pag alis ng andas sa quirino grandstand alas 4:20 ng umaga at natapos sa pagbabalik nito sa loob ng quiapo church bandang alas 8: 45 ng gabi.
Ang huling pinakamabilis na traslasyon ay naitala nuong 2013 kung saan umabot lamang sa labing walong oras habang ang nakalipas na limang taon ay umabot naman ng tig 20 oras ang prusisyon.
Naging posible dahil sa inibang ruta ng prusisyon kung saan dumaan ito sa Ayala bridge sa halip na sa dati nitong ruta na Jones bridge.
Nagkaroon din ng mas mahigpit na seguridad ang mga pulis kung saan sa kauna – unahang pagkakataon ay nakilahok sa traslasyon ang mga unipormadong pulis.