Tuluyan nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang tropical storm na “Quedan”.
Ayon sa tala Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang tropical storm na may international name na “Saola”, ay huling namataan sa layong 1,170 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 80 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pabugsong nasa 95 kilometro kada oras.
Magdadala si Quedan ng maulap na kalangitan na may kalat – kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bisayas at Bicol Region.
Habang Intertropical Convergence Zone o ITCZ naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat – kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan at Mindanao.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may isolated light rains ang Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.