Inihirit ni dating Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman at ngayo’y Marikina 1st District Representative Bayani Fernando ang pagpapaliban sa public utility vehicle modernization program ng gobyerno.
Ayon kay Fernando, Vice Chairman ng House Committee on Transportation, dapat ay ayusin muna ng pamahalaan ang problema sa colorum vehicles.
Dapat din anyang bigyan na ng prangkisa ang lahat ng bumibyaheng PUV bago maglunsad ng isang matinding kampanya kontra colurum na magpapataw ng mabigat na parusa.
Isa rin anya sa nakikita niyang solusyon upang matuldukan ang problema sa colorum na mga sasakyan ay sunugin upang tuluyan nang hindi magamit.
—-