Mauubos na ang supply ng pulang sibuyas sa Nobyembre a-otso.
Ito’y ayon sa datos ng Bureau of Plant Industry noong Agosto a-kinse, kung saan wala na sa 50-thousand metric tons ang supply ng red onion.
Kinumpirma naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior na mag-aangkat ang Pilipinas ng pulang sibuyas sa Oktubre upang maiwasan ang pagkaubos ng supply nito, lalo na’t mataas ang demand nito habang papalapit ang Pasko; ngunit hindi niya tinukoy kung gaano karaming metriko-tonelada ang iaangkat.
Samantala, sa taya ng kagawaran, nasa isanlibong metriko-tonelada na lang ang supply ng dilaw na sibuyas, kung kaya’t inaprubahan na rin ni Sec. Laurel ang pag-aangkat ng 25-thousand metric tons ng yellow onion upang hindi maubos ang supply nito.—Sa panulat ni Anjo Riñon