Inaprubahan na ng pamunuan ng World Health Organization (WHO) ang pagpapabilang ng Sinovac sa mga bakunang may emergency use authorization (EUA).
Ayon sa WHO, nangangahulugan ito na makakasama na ang Sinovac vaccine sa Covax facility na siyang nangangasiwa sa usapin ng mga bakunang ibinibigay sa mga mahihirap na bansa.
Mababatid na sang-ayon sa independent panel of experts ng WHO, inirerekomenda nila ang Sinovac vaccine sa edad 18 anyos pataas.
Bukod pa rito, lumabas din sa pag-aaral ng mga eksperto na ligtas gamitin ang bakuna.
Sa huli, iginiit ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang naturang hakbang ay maituturing na malaking tulong sa mga mahihirap na bansa na nangangailangan ng mga bakuna kontra COVID-19.