Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagustuhan ni Senadora Imee Marcos na maging running mate ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Ayon sa Pangulo, ito ang dahilan kung bakit dumadalaw ang Senadora sa kanyang anak sa pag-asang makukumbinsi aniya itong tumakbo sa pagkapangulo.
Pero makailang ulit na ani Duterte na walang interes ang kanyang anak sa naturang posisyon.