Ikinababahala ng Bacolod City Local Government ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 related deaths sa kanilang lugar.
Batay sa ulat ng Emergency Operations Center-Task Force, aabot sa 168 ang nasawi sa COVID-19 nitong Setyembre, kung saan karamihan sa mga pasyente o 140 sa mga ito ay hindi pa nababakunahan.
Ayon kay City Administrator Em Legaspi-Ang, ang nasabing bilang ay mas doble pa sa naitalang 76 death caess noong Setyembre 2019.
Aniya, karamihan sa mga nakararanas ng severe COVID-19 ay ang mga pasyenteng hindi pa nababakunahan.
Bukid dito, nakitaan rin ng virus transmission sa mga lugar na may low vaccination rates.
Kaugnay nito, hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na magpabakuna na kontra COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico