Pinatitiyak ni Senator Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) ang sapat na public transportation sa inaasahang pagdasa ng mga pasahero ngayong holiday season.
Ayon kay Poe, walang ibang masasakyan ang milyong mamamayan kundi sa pampublikong transportasyon lamang, kung kaya’t nararapat na nakahanda na ang kagawaran.
Anya, inaasahan din na maraming pamilya ang magtutungo sa ibang lugar sa buong bansa dahil panahon ng pagbabakasyon ang Christmas season.
Ipinanawagan din ng Senador ang paggunita ng bansa sa National Day of Remembrance for Road Crash Victims, Survivors and Their Families sa ikatlong linggo ng Nobyembre.
Dahilan ng maraming namatay dahil sa aksidente kaya naman pinag-iingat ang bawat isa.
Samantala, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) aabot sa 5,455 ang naitalang namatay sanhi ng transportation accidents mula Enero hanggang Hulyo. —sa panulat ni Jenn Patrolla