Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais ni Senador Bong Go na sumunod sa kanyang yapak bilang presidente ng bansa.
Ito ang inihayag ng pangulo kasabay ng kanyang talumpati sa inagurasyon ng port operations building, sa port of Dumaguete.
Paliwanag ng pangulo, nang pababa sila ng senador sa eroplano sinabi nito na may hihinging pabor si go sa pangulo — ito’y para mismong si Pangulong Duterte ang magsabi sa publiko sa kanyang ambisyon na maging susunod na pangulo.
Bago pa nito, noong Marso 5 sa isang event ng pangulo sa Cagayan De Oro, tinawag din nito si Go bilang ‘president’.
Kaugnay nito, wala namang impormasyong hawak si Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque hinggil sa naturang pahayag ng pangulo.