Nagpasalamat si Senador Sonny Angara sa mga natanggap na suporta matapos na mapabilang sa top 12 at pumuwesto sa panglima sa isinagawang survey ng Pulse Asia para sa 2019 senatorial election.
Ayon kay Angara, natutuwa siya na marami ang kumikilala sa kaniyang mga pagsisikap bilang senador gayundin ng mga kasamahan niyang re-electionist na nakapasok din sa magic 12 ng nasabing survey.
Dagdag ng senador, magsisilbing inspirasyon ang nasabing survey para kanilang pagbutihin pa ang pagbibigay serbisyo.
“One year is a long time in politics at pwedeng magbago ang ihip ng hangin so kami ay natutuwa sa tiwala ng publiko and at the same time, ito’y dapat maging inspiration sa amin para lalong magsipag, magtrabaho at maging productive sa paggawa ng mga bagong reporma para sa ating mga kababayan.”
Samantala, naniniwala naman si Angara na magbabago pa ang rankings ng kanyang seatmate na si Senador JV Ejercito matapos hindi makasama sa magic 12 ng survey ng Pulse Asia.
“Sa tracking, andun siya sa 14- 15 but generally it’s 9 to 15 so unang una, I think that’s been considered statistically within the meter circle at pangalawa, palagay ko maa-appreciate naman ng mga kababayan natin yung mga ginagawa niya as chairman of health at chairman of housing and yung mga methods niya dito, ano yung mga repormang tinutulak kaya palagay ko tataas pa siya.”
(From Usapang Senado Interview)