Wala nang inaasahang malaking paggalaw sa singil sa kuryente ang Meralco sa darating na Mayo.
Ito ang inihayag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, kasunod na rin ng pagtaas sa singil nitong Marso at Abril.
Ayon kay Zaldarriaga, kanilang tinututukan sa kasalukuyan ay ang suplay ng kuryente para sa mga susunod na araw.
“Kung minsan meron tayong mga ibang planta na nagkakaroon ng problema, nasa offline yan eh di lalo tayong magkakaroon ng concern kasi kailangang-kailangan na talaga natin ng supply pero nagkakaroon ng issue naman sa pangkalahatang supplies so talagang we really have to manage and balance yung both demand and supply.”
Una nang ipinaliwanag ni Zaldarriaga na kanilang hinati nitong Marso at Abril ang inaprubahang 97 sentimong dagdag singil sa kuryente noong Pebrero.
Dagdag ni Zaldarriaga, inaasahan na rin ang dagdag singil lalo’t karaniwang tumataas ang demand tuwing panahon ng tag-init.
“Normally, talagang inaasahan na yan yung taas and demand for energy, nagkakaroon talaga ng upward pressure for a stock market prices to go higher pero tingin namin, itong summer months, medyo nandoon padin tayo sa upward….pero come yung tag-ulan o yung rain months then that’s the time it expect to go down already.”
(From Sapol Interview)