Patay ang isang indibidwal at sugatan ang 13 iba pa, matapos mahulog sa bangin ang sasakyan ng Bureau of Fire Protection (BFP-BARMM) sa probinsiya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng otoridad, lulan ang mga tauhan ng BFP-BARMM ng kanilang sasakyan papauwi ng Cotabato City mula sa Wao, Lanao Del Sur nasa Barangay Barangian, Alamada na ang sasakyan nang biglang mawalan ng preno at hindi nakontrol ng drayber ang manibela kaya’t dumiretso sa gilid ng kalsada ang sasakyan at tuluyang nahulog sa malalim na bangin.
Agad na rumesponde ang PNP-Alamada, at mabilis na naisugod ang labing tatlong sugatan sa ospital habang isa ang napaulat na nasawi.
Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng pnp-alamada traffic section ang nangyaring aksidente.—sa panulat ni Joana Luna