Bubuhusan ng pamahalaan ng sampung bilyong pisong pondo ang Rice for all program ng Department of Agriculture sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program.
Kabilang sa programa ang Benteng bigas meron na project ng administrasyon kung saan ibinebenta ang bente pesos na kada kilo ng bigas sa vulnerable sector.
Sa kanyang budget message, sinabi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na layon ng alokasyon na mapalawak ang access sa murang bigas.
Kukunin anya ang bigas hindi lang sa importers kundi maging sa mga lokal na magsasaka na ibebenta sa mga palengke at Kadiwa sites.
Sa ilalim ng NEP, itinaas rin sa 29.9-billion-pesos ang pondo para national rice program ng D-A mula sa 21.7-billion-pesos na budget ngayon taon.
Sa pamamagitan ng N-R-P, namamahagi ang pamahalaan ng abono sa pamamagitan ng fertilizer assistance program sa mga lokal na magsasaka.