Handang tapatan ni incoming President Rodrigo Duterte ang reward na ibibigay ng mga drug lord para sa makakapatay sa kanya.
Ayon kay Duterte, kung 100 milyong piso ang patong niya sa ulo, siya naman ay magbibigay ng 150 milyong piso para sa mga makakapatay sa mga drug lord.
Iginiit ni Duterte na hindi siya natatakot sa banta ng mga drug lord at handa aniya siyang makipagtaasan ng presyo sa mga ito.
Kasabay nito, nangako din ang papasok na pangulo na kanyang agad-agad na ipo-promote bilang general ang sinumang pulis na makapapatay ng drug lord.
Matatandaang panahon pa man ng kampanya ay ipinangako na ni Duterte ang madugong digmaan kontra iligal na droga at kriminalidad.
Dahil dito, isang convicted drug lord sa New Bilibid Prison (NBP) ang nag-alok na magbibigay ng aabot sa 1 bilyong pisong reward para sa makakapatay kay Duterte, incoming Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa at dating Justice Secretary at ngayo’y Senator-elect Leila de Lima.
By Ralph Obina