Sinubukan umanong hikayatin ni Top Rank CEO Bob Arum sina pound-for-pound king Floyd Mayweather at Pinoy ring icon Senator Manny Pacquiao na magkaroon ng rematch.
Pero sinabihan umano siya ni Al Haymon, adviser ni Mayweather na masaya na ito sa kanyang retirement life.
Wala na rin daw intensyon pang lumaban muli si Mayweather.
Maging si Pacquiao ay nagpahayag na sa ngayon ay hindi niya prayoridad ang sumampa muli sa itaas ng ring para makipagbakbakan.
Kamakailan lang ay pinabulaanan ni Pacquiao na walang katotohanan ang sinabi ni Arum na magle-leave siya sa senado para muling lumaban.
By Mariboy Ysibido