Nagpapatuloy pa rin ang relief drive ng Kamara sa mga biktima ng bagyong Paeng.
Nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa ibang mambabatas at pribadong sektor sa lahat ng tumulong.
Mahigit P75-M ang nalikom na tulong ng House of Representatives, P26-M na in-kind donations habang P49.2-M na cash pledges.
Pinuri rin ng isang mambabatas sa Leyte si DSWD Sec. Erwin Tulfo at iba pang kawani ng DSWD sa patuloy na patulong sa mga kasamahan at constituent na nasalanta ng bagyo.
Siniguro naman ni Romualdez na patuloy ang kanilang pagtanggap ng tulong kahit magbabalik sesyon na ang Kongreso bukas, Nobyembre 7. – mula sa panulat ni Maze Aliño-Dayundayon