Nananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at China partikular sa usapin ng kalakalan at turismo
Ito ayon sa DFA ay sa kabila ng hindi pa rin natutuldukang isyu kaugnay ng alitan sa teritoryo o sa West Philippine Sea
Sinabi ni DFA Spokesman Charles Jose na ang China ang ikalawa sa pinaka nangungunang partner ng bansa sa pakikipag kalakalan nuong 2015
Sa parehong taon din aniya ay nasa ika Apat ang China sa pinakamalaking source o pinanggagalingan ng mga turista na nagtutungo sa bansa
Inihayag ni Jose na halos kalahating milyong turistang Tsino aniya ang namamasyal sa ibat ibang tourist destinations sa bansa
Bukod dito ipinabatid ni Jose na dumarami ang mga flight na nagdudugtong sa dalawang bansa at umaasa ang Pilipinas na lolobo pa sa susunod na taon ang mga turistang Tsino
By: Judith Larino / Allan Francisco