Iginiit ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na ipagpatuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring misencounter sa pagitan ng militar at pulis sa Samar.
Ito ay kahit pa inako na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang full responsibility sa pangyayari kung saan nasawi ang anim na pulis.
Ayon kay Alejano, tama lamang ang ginawang pag a-ko ng pangulo sa responsibilidad dahil siya ang commander in chief ng PNP at AFP.
Ngunit kailangan na ituloy ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nagkaroon ng pagkukulang sa insidente.
Kung mapapatunayan aniya na nagkaroon ng paglabag sa standard operating procedure ay dapat itong mapanagot.