Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalakay ng mga pulis na nauwi sa pagkakapatay kay Ozamiz, Misamis Occidental Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog at 15 na iba pa.
Ayon kay Pangulong Duterte, malinaw naman ang kanyang standing order sa mga awtoridad na tiyaking patay ang sinumang drug personalities na magtatangkang lumaban sa bawat police operation.
Iginiit ng Pangulo na wala naman aniyang mali sa ginawa ng mga pulis lalo’t kabilang sa narco-list si Parojinog.
By Drew Nacino