Walong opisyal ng Pambansang Pulisya ang madaragdagan ng estrella makaraang aprubahan ng Palasyo ang promosyon ng mga ito.
Kabilang sa mga madaragdagan ng estrella sa balikat si PNP Spokesman S/Supt. Benigno Durana na opisyal nang ini-akyat sa ranggong Chief Superintendent.
Buwan ng Hunyo lamang nang umupo si Durana bilang PNP Spokesman kapalit ni C/Supt. John Bulalacao na ngayo’y Direktor na ng Police Regional Office 6 o Western Visayas.
Itinuturing na Top Brass si Durana sa PMA o Philippine Military Academy Maringal Class of 1988 kung saan, mistah niya sina Bulalacao at C/Supt. Dionardo Carlos na kapwa naging Tagapagsalita rin ng PNP.
Maliban kay Durana, madaragdagan din ang estrella sa balikat nila P/SSupt. Rodolfo Santos Azurin, Jr; P/SSupt. Bernabe Mendoza Balba; P/SSupt. Gerry Tolentino Galvan; P/SSupt. Jose Chiquito Malayo; P/SSupt. Madid Maricor Paitao at P/SSupt. Mario Navarro Rairiza Jr.
Itataas din bilang Senior Superintendent o Colonel ang OIC ng Regional Controllership Division ng Police Regional Office 4-B o MIMAROPA si P/Supt. Roderick Diwas Minong.
#BREAKING
Promosyon para sa walong opisyal ng PNP, pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/ggdQtXRDYD— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 19, 2018