Tumaas ang presyo ng ilang gulay sa ilang pamilihan dahil umano sa mainit na panahon.
Batay sa ulat, tulad na lamang sa Balintawak Market na umabot na sa 60 pesos ang kilo ng repolyo na dating 30 pesos.
Mahigit doble naman ang itinaas ng luya na nasa 45 pesos na mula sa dati nitong presyo na 20 pesos.
Umabot naman sa 140 pesos ang kilo ng siling labuyo na dating 80 pesos at ang kalamansi naman na dating 45 pesos ay tumaas hanggang 70 pesos.
Aabot naman sa 75 pesos ang presyo ng sibuyas mula sa 60 pesos habang ang kamatis naman ay P30 na dati ay P20.
Samantala tatlong buwan ng mataas ang presyo ng karneng baboy sa nasabing pamilihan.
Itinuturong dahilan din ng ilang tindera ang mainit na panahon kaya’t mahirap umano mag-alaga ng mga baboy.
—-