Nananatiling nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatakbo sa bansa sa kabila ng mga ingay sa pulitika.
Ito ang inihayag ng Malakanyang kasunod ng pagbasura ng Kamara sa Impeachment Complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nirerespeto ng Pangulo ang co-equal branch ng gobyerno at hindi ito nakikialam sa political exercise.
Wala anya siyang utang na loob sa kahit na anong grupo at ang tutok lamang nito ay ang pangangasiwa sa gobyerno.
Sinabi ni Abella na kasalukuyang nasa China si Pangulong Duterte para makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa pagnanais na mabigyan ng komportableng buhay ang mga Pilipino.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping