Aminado ang Department of Health (DOH) na malabong alisin ang physical distancing kahit isailalim sa alert level 1 ang bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kahit nasa transition period pa ang sitwasyon at mataas na ang immunity ng mga tao ay kailangan paringipatupad ang naturang protocol.
Ang pinaka-huli anyang mawawala sa safety restrictions ay ang mga individual practice for safety tulad ng pagsusuot ng mask, physical distancing at pagbabawal sa mass gathering.
Sa ilalim ng alert level 1 ay papayagan na ang ‘intrazonal at interzonal travel’ sa kahit anong edad at mga may comorbidity, 100% capacity sa mga establisimyento at public utility vehicle pagsasagawa ng events na may full seating capacity. —sa panulat ni Mara Valle