Isang dating konsehal ng Mandaue City, Cebu ang natagpuang duguan at wala ng buhay sa isang resort sa bayan ng santander.
Bagaman isinantabi ng mga otoridad ang anggulong nag-suicide ang biktimang si dating Councilor Beethoven Andaya makaraang marekober sa kanyang tabi ang isang pistola at pera, hindi malayong kaso ito ng robbery.
Batay sa imbestigasyon, dalawang hindi nakilalang lalaki ang pumasok sa kwarto ni Andaya bago ito natagpuang patay at pinaniniwalaang naghalughog ang mga salarin lalo’t wala sa ayos ang mga gamit ng biktima.
Gayunman, walang narinig na putok ng baril ang mga nasa katabing kwarto o CCTV camera sa paligid habang posibleng ang handgun na narekober ay pag-aari ng dating konsehal na maaaring ginamit upang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Mayo 2016 nang tumakbo sa pagka-bise alkalde si Andaya subalit kapwa natalo sila ng kanyang running mate na si Lollipop Ouano.
SMW: RPE