Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos jr. ang pamamahagi ng kabuuang P43 milyong tulong pinansyal sa mahigit 8,600 mangingisda sa Navotas City na nabiktima ng oil spill.
Mula sa tig-P5,000, tinaasan ni Pangulong Marcos ang presidential assistance ng bawat benepisyaryo sa P7,500 bilang regalo sa kanyang ika-67 kaarawan ngayong araw, September 13.
Bukod rito, nagkaloob din ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng tulong pangkabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lambat, post-harvest materials, fuel subsidy, at capacity-building.
Kaugnay nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na iniimbestigihan na ng mga awtoridad ang nangyaring oil spill sa bataan upang mapanagot ang mga nasa likod ng insidente.
Samantala, ibinahagi rin ng pangulo na ligtas nang kainin ang mga isda at iba pang pagkaing-dagat na naapektuhan ng oil spill sa Bataan.