Para kay House Impeachment Adviser at Spokesperson Robert Ace Barbers, malaya si Vice President Sara Duterte na sabihin ang anumang nais nitong sabihin sa publiko at social media.
Kasunod ito ng panibagong batikos ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan, hiniling pa nito na bumaba sa puwesto si PBBM.
Tinawag din ng Bise Presidente si Pangulong Marcos na sinungaling at mapang-abuso.
Sa halip na patulan ang mga pahayag ni Duterte, sinabi ni Barbers na nakatuon ang House Prosecution sa impeachment case na dinidinig sa Senado.
Kung mababatid, natapos na ng House Prosecution ang presentasyon ng ebidensiya sa Article 1 na may kinalaman sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.
Habang magsisimula naman sa Lunes, September 14, ang presentasyon ng ebidensiya para sa Article 2, na tumatalakay sa umano’y unexplained wealth o hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara. | via Geli Mendez (Patrol 30)

