Hayagang sinabi ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang posisyon nito sa Road Board at Road Users’ Tax.
Sa ginanap na change of command ng Philippine Air Force ngayong gabi sa Villamor Air Base, inihayag ng pangulo ang kanyang mariing pagsuporta sa posisyon ng Senado na buwagin na ang Road Board.
Matatandaang inaprubahan ng senado ang isang resolusyon na humihiling kay Pangulong Duterte na lusawin na ang Road Board.
Sinabi ng pangulo, naniniwala siyang ginagawang gatasan ng mga tiwaling mambabatas ang road users’ tax na pinangangasiwaan ng Road Board.
Kaya’t binigyang diin ng pangulo dapat na talagang buwagin na ang road board at itigil na ang pangongolekta ng Road Users’ Tax.
Una nang Inihayag ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na gusto ng chief executive na ibalik na lamang sa National Treasury ang bilyong pisong una nang nakolekta mula sa Road Users’ Tax nitong mga nakalipas na panahon.