Jopel Pelenio
Nakapagtala ang Pilipinas ng 368 new Covid-19 cases habang bumaba naman sa 12,473 ang active cases.
Ayon sa Department of Health (DOH), kasunod ito ng naitalang 500 cases nitong nakalipas na Biyernes.
Base sa talaan ng DOH, bumagsak ang bilang ng aktibong kaso mula sa 12,491 kamakailan.
Pumalo sa 4,070,136 ang kabuuang virus cases sa bansa.
Samantala, umakyat sa 3,992,088, ang recovery tally at nasa 65,575 naman ang mga pumanaw.
Sa nakalipas na dalawang linggo, naitala ng National Capital Region ang pinakamataas kaso na umabot sa 1,860, sinundan ng CALABARZON – 954, Central Luzon – 475, Cagayan Valley – 403, at Western Visayas – 321.
Dini-ditermina ng Department of Agriculture (DA) kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng itlog.
Lumalabas sa price monitoring data ng da na umaabot na ngayon sa P7 hanggang P9 ang halaga ng itlog mula sa dating P6 lamang.
Pahayag ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, na upang ma-determina kung magtutuloy-tuloy ang pagisirit ng presyo ng itlog kailangang silipin ang cost of production.
Ayon sa Philippine Egg Board Association (PEBA), nagkaroon ng pagbaba ang produksyon ng itlog sa bansa dahil sa pasipa ng halaga ng operating expenses ng mga breeders.
Bunsod nito, inihayag ni Evangelista, magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil dito upang mapigilan ang tuloy-tuloy na pagtaas ang presyo ng itlog sa bansa.
DA, tuloy-tuloy ang pakikipagnegosasyon para sa 2nd cycle ng P170 per kilo ng sibuyas sa Kadiwa Stores
Patuloy na nakikipagnegosasyon ang Department of Agriculture (DA) sa state-owned Food Terminal Inc. (FTI) upang makapagsuplay ng sariwang sibuyas na ibebenta sa abot kayang halaga sa mga Kadiwa Stores.
Ayon kay DA assistant sec. Kristine Evangelista, dedepende sa magiging resulta ng pinasok nilang kasunduan sa FTI ang susunod na rollout ng Kadiwa Stores.
Simula nitong nakalipas na Biyernes, January 13, itinigil na ng Kadiwa Stores ang pagbebenta ng pula at puting sibuyas na nagkakahalaga ng P170 kada kilo, na mas mura sa P600 hanggang P700 na kada kilo nito sa mga palengke.
Sinabi ni Evangelista, na hinihintay pa nila ang liquidation at inventory report sa unang cycle ng sibuyas sa Kadiwa Stores upang malaman kung ipagpapatuloy pa ang pagtitinda nila nito.
BOC, naharang ang tangkang pagpasok sa Pilipinas ng P240-M na halaga ng smuggled na asukal
Napigilan ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpasok sa bansa ng P240 Million na halaga ng smuggled na refined sugar o asukal mula Thailand.
Ayon sa BOC, nasukol ng pinagsanib na pwersa ng Customs Police Division-Enforcement and Security Service (CPD-ESS), Customs Intelligence and Investigation Service, at ng Philippine Coast Guard ang isang vessel na naglalaman ng mga asukal sa karagatang sakop ng bauan at mabini sa Batangas.
Pahayag ng ahensya, aabot sa 50 kilo ang nilalaman ng kada – bag ng puting asukal na nasamsam ng pdea na ipadadala sana sa Stone Int’l. Co. Ltd, na mula naman sa shipper nitong Thai Sugar Trading Corp.
Pahayag ng BOC, ikinasa nila ang operasyon kasunod ng ulat na kanilang natanggap na may kargang mga asukal ang VOI MV Sunward na nakatakdang dumaong sa Batangas kahit pa wala itong notice of arrival na inihain sa BOC.
24 na pamilya, nawalan ng tahanan matapos ang naganap na landslide sa Davao de Oro
Aabot sa 24 na pamilya ang naapektuhan ng landslide dahil sa mga pag-ulang naranasan kahapon sa Maco, Davao de Oro.
Ayon kay Allen Baco, ang Operations and Warning Division Head ng Davao de Oro Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang pagguho ng lupa na sumira sa ilang kabahan sa Barangay Mainit.
Wala naman aniyang napaulat na nasaktan o nasugatan.
Sa ngayon, ongoing na ang pagbibigay ng tulong ng lokal na pamahalaan ng lalawigan sa mga naapektuhang residente na pansamantalang nananatili sa Covered Court ng Barangay.
Tiklo ang sinasabing NPA Commander na si Rey Iniro na nahaharap sa mga kasong Murder at paglabag sa Anti-Terrorism Act makaraang mamataan ng mga otoridad sa Tanza, Cavite.
Naaresto ang suspek matapos na maharang ng arresting officer ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa bisa ng dalawang warrant of arrest, binitbit ng NBI Cavite District Office North si Iniro.
Natukoy ang npa commander dahil sa kanyang bukol sa likod na nagsilbing palatandaan ng mga otoridad.
Nakuha dito ang kanyang cellphone at mga anting-anting na nasa katawan nito.
Nasamsam din kay Iniro ang matataas na kalibre ng baril mula sa mahigit 30 NPA members na sumuko tropa ng pamahalaan sa Camarines Norte.
Isinuko din ng suspek sa National Capital Region Police Office ang ilang mga ammunition at hand-held radios.
Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa normal ang lahat.
Paglilinaw ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar, na bahagi ng ginagawa nilang preparasyon para sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno ang namataang PNP Assets sa Camp Crame.
Giit ni Aguilar, makakaasa ang publiko na patuloy na poprotektahan ng AFP at ng iba pang government security forces ang kaligtasan ng lahat laban sa mga grupong nais maghasik ng kaguluhan sa bansa.
Samantala, sinabi nito, na naging maayos ang change of command kahapon para sa tuluyang pag-upo ni General Andres Centino bilang AFP Chief of Staff.
Ayon kay Aguilar, buo ang suporta ng AFP sa liderato ni Gen. Centino at sa mga hangarin nito na maprotektahan ang publiko at depensahan ang territorial integrity at national sovereignty ng bansa.
Mga deboto ng Black Nazarene, dumagsa sa Quiapo Church para saksihan ang tradisyunal na ‘Pabihis’
Sinaksihan ng mga deboto ang tradisyonal na “pabihis” ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church.
Dumagsa ang mga ito sa Plaza Miranda para sa buong araw na mga misa bago ang Walk of Faith.
Tiniyak ng mga otoridad na mahigpit nilang ipatutupad ang seguridad at physical distancing, kasabay ng ginawa nilang pagpapakalat ng mga yellow signages sa lugar.
Ipinaliwanag ng simbahan na maliban sa pagbibigay pasasalamat, simbolo din ang pabihis ng Black Nazarene ng malaking epekto nito sa buhay ng maraming Katoliko.
Matapos ang dressing ceremony, marami parin ang nanatili sa loob ng Quiapo Church para pagsisimula ng “Pagbabasbas” at “Pahalik” sa damit ng Nazareno.
Ayon sa mga deboto, kahit wala ang tradisyonal na traslacion magpapatuloy pa rin ang kanilang debosyon sa Black Nazarene.
Sugatan at namamaga ang likod, kamay at mukha ng 26 na mag-aaral, 2 guro at 1 school principal makaraang atakehin ng mga bubuyog ang kanilang eskwelahan sa Tampilisan, Zamboanga del Norte.
Sa ulat ni Krissa Dapitan ng GMA Regional TV One Mindanao sa “24 oras weekend” nitong Sabado, sinabing inatake ng mga bubuyog ang ZNAC Elementary School noong Huwebes ng hapon.
Ayon ZNAC Elementary School Principal Lusila Patagoc, nabigla sila sa narinig na sigawan ng mga estudyante habang nagtatakbuhan naman palabas ng classroom ang ilan sa kanila.
Marami sa mga magulang ang hindi agad nakatulong sa kanilang mga anak dahil maging sila, kinuyog din ng mga insekto.
Mabilis namang tumugon ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng tampilisan upang mabigyan ng first aid at antihistamine ang mga biktima.