Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante sa gagawing plebesito sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa susunod na taon.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, hindi na kinakailangan pang magdala ng identification card ang mga botante.
Aniya, para makaboto kinakailangan lamang na magtungo sa polling area, i-check ang kanilang pangalan, precinct number at ibigay ang araw ng kanilang kapanganakan para sa beripikasyon.
sa magiging plebesito, kukunin ang pulso ng mga botante kung pabor ba sila sa i-abolish ang ARMM at palitan ng Bangsamoro Region.
Nakatakdang idaos ang plebesito sa BOL sa Enero 21 at Pebrero 6 sa susunod na taon.