Kinakailangan ding ikonsidera ang pangkabuhayan ng maraming tao.
Ito ang iginiit ni Philippine College of Physician (PCP) President Dr. Mario Panaligan sa gitna ng mga panawagang magpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa loob ng isang buwan.
Ayon kay Panaligan, bagama’t mahalagang maging ligtas ang mga tao sa gitna ng pandemiya, magiging mahirap pa rin aniya kung ang kapalit nito ay mawawalan ng hanapbuhay.
Sinabi ni Panaligan, nakikipag-usap na ang PCP sa business sector hinggil sa implementasyon ng mga quarantine protocols para sa pagbalanse sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at hindi naman magresulta sa pagkawala ng kabuhayan.
Binigyang diin naman ni Panaligan na mas mahalaga pa rin ang kapwa pag-iingat ng publiko at pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa kahit ano klasipikasyon ng quarantine restrictions ang ipatupad.