Lilimitahan lamang sa 19,000 ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang mga turistang maaaring bumisita sa isla ng Boracay kada araw.
Iyan ang inihayag ni Environment Secretary Roy Cimatu kasunod na rin ng nakatakdang pagbubukas muli ng isla sa publiko sa Oktubre 26 ng taong kasalukuyan.
Ayon sa kalihim, inaasahang tataas muli ang carrying capacity ng isla pagsapit ng susunod na taon kaya’t kinakailangan nilang magpatupad ng reglamento para hindi muling maabuso ang isla.
Matapos ang anim na buwang rehabilitasyon sa isla, inihayag din ng kalihim na ligtas na rin ang paliligo sa Bulabog Beach na siyang nakitaan ng maruming tubig mula sa sewerage pipes ng mga bahay at establisyementong iligal na nakakabit sa mga rain water pipes na siyang dahilan ng pagdumi ng tubig doon.