Posibleng aprubahan na ng Bicameral Conference Committee ngayong linggo ang 3.8 Trillion Peso proposed 2018 national budget.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, niresolba na ng kumite ang mga issue ng magkakaibang budget allocations ng ilang ahensya kaya’t maaaring matapos ito sa tamang oras.
Nakatakda ring ratipikahan ang Comprehensive Tax Reform Package, ngayong araw matapos ang serye ng mga debate at pulong sa pagitan ng Senado at Kamara.
Layunin nitong itaas ang buwis sa ilang produkto upang makalikom ng pondo na gagamitin sa build, build, build program ng Duterte administration.