Lima ang sugatan sa pambobomba sa bus terminal sa Manhattan, New York sa Amerika.
Kabilang sa mga nasugatan ang isang hinihinalang terorista na si Akayed Ullah, 27 anyos mula Bangladesh.
Ayon kay New York City Mayor Bill de Blasio, naganap ang pambobomba sa Port Authority Terminal sa kasagsagan ng morning rush hour.
Isa anyang “low-tech explosive device” ang ibinalot ni Ullah sa kanyang katawan at idinetonate pero dahil sa hina ay hindi ito gaanong naka-apekto sa mga pasahero.
Hawak na ng mga otoridad ang suspek habang inaalam na kung mayroon pa itong mga kasabwat.