Mahigpit na seguridad ang pinaiiral para bantayan ang pamilya nang pinaslang na alkalde ng Sudipen, La Union.
Nag-deploy ng dagdag pang mga pulis ang Philippine National Police (PNP) sa bahay ni Mayor Alexander Buquing para matiyak ang kaligtasan ng pamilya nito.
Hinigpitan na rin ng PNP ang seguridad sa loob at labas ng ospital kung saan naka-confine si Vice Mayor Wendy Joy Buquing na nagpapagaling na sa kaniyang mga sugat.