Kinalampag ng isang militanteng mambabatas ang National Housing Authority para madaliin ang pamamahagi ng mga nakatiwangwang na pabahay ng pamahalaan sa mga maralita.
Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, sayang ang bilyung-bilyong Pisong ginastos ng gubyerno sa mga pabahay nito sa kanilang kawani subalit hindi man lamang tinitirhan o inaalagaan kaya’t mabuti nang pakinabangan ito ng mga mahihirap.
Nuong isang buwan pa aniya nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Joint Resolution Number 2 ng kongreso na nagtatakda sa pamamahagi ng mga Housing units para sa unimpormadong hanay pero hindi naman ito naokupahan.
Ginawa ni Casilao ang pahayag kasunod ng naging pagsugod ng grupong KADAMAY sa Rodriguez, rizal kamakailan para okupahan ang mga nakatenggang pabahay na laan para sa mga sundalo at pulis.