Walang pahiwatig ang Malacañang kung magtatalaga pa ng bagong Adviser on Overseas Filipino Workers (OFW) Affairs matapos itong bitiwan ni Vice President Jejomar Binay.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nagagampanan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Agency (POEA), at Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang mga trabaho ng isang adviser para sa mga OFWs.
Ang tatlong ahensya ang nangagasiwa sa lahat ng concerns at pangangailangan ng mga manggagawang nasa ibang bansa.
Sinabi ni Valte na dagdag na tulong na lamang ang pagkakaroon ng adviser para sa mga OFWs tulad ng naging trabaho ni Binay.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)