Hiniling ni Bishop Roderick Pabillo at ng mga grupong Center for People Empowerment and Governance, Alliance of Concerned Teachers, at Automated Elections Systems Watch sa Korte Suprema na pigilan ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagsasagawa ng parallel bidding at paglikha ng dalawang technical working group para sa 2016 elections dahil sa umano’y pagiging taliwas nito sa itinatadhana ng batas.
Ayon sa abogado ng mga petitioners na si Attorney Manuelito Luna, labag sa Saligang Batas ang resolusyon ng COMELEC na nagtatakda ng parallel bidding para sa pagsasaayos ng PCOS machine at pagrenta o pagbili ng mga Optical Mark Reading machines sa halagang higit sa itinatakda ng batas.
Iginiit pa ng mga petitioners na hindi naaayon sa batas ang pag-realign ng budget ng COMELEC mula sa 2016 appropriations nito upang makamit ang halos P14. 6 billion pesos na budget para naman sa pagbili ng PCOS machines.
By Avee Devierte | Bert Mozo (Patrol 3)