Tinitignan na ng mga otoridad na posibilidad na gawa mismo sa Pilipinas ang ilang pekeng bigas sa merkado.
Ayon sa National Food Authority (NFA), posible kasing may umabuso sa makina ng Department of Science and Technology (DOST) na kung tawagin ay estruder na siya namang ginagamit ng ahensya upang gumawa ng iron fortified rice.
Samantala, ipinagbawal naman sa Tanuan, Bulacan ang bigas ng JM Lucky Rice Mill kasunod ng reklamo ng inang ginang na nakabili ito ng pekeng bigas na gawa ng naturang miller.
Pinabulaanan na ng nasabing miller ang akusasyon at sinabing handa silang ipasuri ang kanilang mga produktong bigas.
By Rianne Briones