Bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30 ay target ng Malacañang na makabalik ang bansa sa “new normal”.
Ayon kay Acting Deputy Presidential Spokesman Kris Ablan, ito ang dahilan kaya sinisikap ng gobyerno na maabot ang 100% vaccination rate na target population protection sa lalong madaling panahon.
Hinimok naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na magpaturok ng COVID vaccine ang mga hindi pa nababakunahan para magtuloy-tuloy na ang pagbagtas ng bansa sa new normal.
Dagdag pa ng opisyal, hindi titigil ang gobyerno sa vaccination roll-out kahit pa naabot na ang 73% target population na mabakunahan sa bansa laban sa COVID-19. —sa panulat ni Mara Valle