Mariing kinondena ng grupong Bayan Muna, Gabriela at National Federation of Sugar Workers ang ginawang pag-atake ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang tanggapan sa Bacolod, Negros Occidental Huwebes ng gabi.
Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate, inatake ang kanilang tanggapan dahil sa maling akusasyon ng pulisya at militar sa kanilang miyembro kung saan kabilang ang mga menor de edad na umano’y sumasailalim sa pagsasanay sa paggamit ng mga armas at pampasabog.
Ani Zarate, maituturing na pangha-harass ang ginawa ng mga militar at pulis sa mga militante.
Ginawa pa umano nila ang pag-atake kung kailan sarado ang mga korte para walang paraan ang mga naaresto na magreklamo.