Lubos ang pasasalamat ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa walang sawa nitong tulong at pagmamalasakit para sa mga mangingisdang CaviteƱo.
Sa kanyang social media post, inihayag ni Rep. Revilla na sa kabila ng maulang panahon, itinuloy pa rin ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng Presidential Assistance para sa mga mangingisda at kanilang pamilya sa bayan ng General Trias, Cavite.
Pagdidiin ng mambabatas, malaking tulong ito upang makabangon muli ng industriya ng pangingisda, lalo na ang mga apektado ng serye ng oil spill sa Bataan.
Kaugnay nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy na magsisikap ang pamahalaan na mapalakas muli ang industriya ng pangingisda sa Cavite.