Tinawag na careless at insensitive ni Senador Panfilo Lacson si Lt. General Antonio Parlade, Jr.
Kasunod na rin ito nang ginawang red tagging o pag-aakusa ni Parlade sa reporter ng inquirer.net na si Tetch Torres-Tupas na isang propagandista ng mga terorista.
Binigyang diin ni Lacson na ang naging pahayag ni Parlade ay pagpapakita ng mali o kawalan ng sapat na pag iisip nito.
Sinabi ni Lacson na wala siyang pakialam sa kung anuman ang namamagitan kina Parlade at Tupas subalit pinaghirapan nila ng kanyang staff at mga kapwa Senador ang anti-terrorism act of 2020 para magkaroon ng legal tool laban sa terorismo at matiyak ang proteksyon ng bill of rights lalo pa’t nahaharap sa ilang seryosong hamon ang batas sa korte suprema.
Inihayag ni Lacson na kung nais talaga ni Parlade na makatulong na maliwanagan ang mga mahistrado ng Supreme Court hinggil sa nasabing batas itikom na lamang ng heneral ang kaniyang bibig sa isyu ng terorismo