Dinepensahan ng Malakanyang ang pagsama ng 16 na cabinet members sa pagbisita ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan.
Kinontra ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pahayag ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V na posibleng pabuya ito ng pangulo sa cabinet officials dahil sa paborableng resulta ng midterm elections.
Bakit aniya bibigyan ng pabuya ang cabinet members gayung pinagbawalan sila ng pangulo na lumahok sa kampanya nuong eleksyon.
Ayon kay Panelo, ispekulasyon lamang ni Laurel ang kanyang pahayag o kaya ay kulang ito ng impormasyon.
Binigyang diin ni Panelo na mahalaga ang presensya duon ng cabinet members upang ayudahan ang pangulo sa halos P300 billion business deals na inaasahang malalagdaan sa Japan.