Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na magbibigay ito ng libreng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa mga residente ng lungsod.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, nakapaglaan na ng P1-bilyong ang lokal na pamahalaan para ipangbili ng gagamiting bakuna.
Bagamat tiniyak na may pondo para sa bibilhing bakuna, hindi naman idinetalye kung anong pharmaceutical company ang pagkukunan nito.
Sa ngayon, inaayos na ng Lokal na Pamahalaan ng Makati ang gagamiting sistema para sa gagawing online registration nito.
Nauna rito, naglabas na ng guidelines ang lungsod ng Maynila para sa pre-registration ng sarili nilang libreng bakuna kontra COVID-19.