Nagpapatuloy ngayong araw ang pagtatayo ng mga stalls sa Maynila para sa mga street vendors nito.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang proyektong ito ay naglalayong matulungan ang mga street vendors sa lungsod at mailagay sila sa disente at maaliwalas na lugar.
Nauna rito, itinayo ng mga kawani ng Department of Engineering and Public Works ng Maynila ang ilang mga makabagong stalls sa gilid ng city hall nitong mga nakaraang araw.
Sa ngayon, hindi pa rin operational ang mga naturang stalls dahil wala pang mga guidelines o alituntunin na inilalabas ang pamahalaang lungsod kung papaanong mag-apply sa paggamit nito at ang halaga ng renta rito.
Samantala, inaasahan pang magtatayo ng karagdagang mga stalls sa iba’t-ibang lugar sa Maynila.