Humihiling ang Department of National Defense ng dagdag na Isang Bilyong Pisong pondo para sa nagpapatuloy na krisis sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, ito ay para magsilbing contingency fund upang matiyak ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng armas at bala maging ang iba pang pangangailangan ng hukbo.
Sinabi ni Padilla na nasa higit Tatlong Bilyong Piso na ang nagagastos na pondo ng pamahalaan sa mahigit tatlong buwan pakikipagbakbakan ng tropa ng militar sa mga miyembro ng Maute terrorist group.